bakasyon na

11:24:00 PM

isang linggo na lang

makakatulog na naman ako

nang mas matagal,

ma-e-enjoy ko ang weekends ko

nang husto,

may matitipid akong pera

dahil walang nang gastos pag Sabado



sa loob ng linggong ito

subsob ang ulo ko sa pag-aaral

sunog ang kilay ko sa reviews

pasmado ang mga kamay ko

sa pagtipa ng keyboard

at paghawak sa bolpen.



sana bago lumipas ang linggong ito

normal na ang koneksyon ng Internet sa aming opisina

mahirap maghabol ng trabaho lalo't natambak na lahat.



pwede bang laktawan na lang ang linggong ito?

You Might Also Like

0 comments

Thank you for your comment!