ikaw na naman?

12:26:00 AM

nakita na kita dati. napakapamilyar mo sa akin. kelan nga ba huling tayong nagkita? hindi ko na matandaan yung saktong petsa pero tandang-tanda ko noong huli kang nagpakita.



heto ka na naman. bakit ba ganun? pilit kong iwinawaksi ka sa aking isipan pero heto't nagbabalik ka sa aking pintuan. siguro ako na rin ang sasagot sa aking tanong. nararamdaman mo na ba ng kailangan na kitang muli? ang galing naman ng iyong tenga. narinig mo ako kahit ganoon kang kalayo mula sa akin? oo nga pala, mas malakas ang pandinig ng puso mo. dinig na dinig niya ang bawat pintig ng puso ko, ng damdamin ko.. ng kaibuturan ng aking saloobin.



kilala mo naman ako di ba? kahit alam kong may iba nang sinasabi ang puso ko na kabaligtaran ng sinasabi ng utak ko o di naman kaya ay may ibinubulong ang puso ko sa isip ko, wala pa akong paki. matigas ba ulo ko? o umaasa akong magiging okay ang lahat?



teka, sigurado ka na ba sa gusto mong mangyari? gagawin mo rin ba ang ginawa mo dati? mag-isip ka muna nang makailang beses... ako rin mag-iisip.. tapos saka tayo ulit magkita. pero sana huwag naman sa lalong madaling panahon.



You Might Also Like

2 comments

  1. hello an! musta? r u ok?

    ReplyDelete
  2. hello ate fionski!!!!!!! nice to have you back.. how's your pagmumuni-muni???? ok lang po ako...

    ReplyDelete

Thank you for your comment!