Parang nagugulat pa sila kapag magtanong kung diabetic na ako.
Nope, hindi naman ako na-offend pero by this time, alam na nila siguro na ang mga overweight na tulad ko ay high risk for diabetes.
"Mahilig ka siguro sa mga chocolates and desserts." Ayan, ang isa sa maling assumptions.
"Ang taba-taba mo kasi eh." Duh! Si Gary V, payat at super active pero diabetic. Ang dami ko rin na kakilala na diabetic o pre-diabetic pero mga payat talaga.
Alam ko hindi ako diabetic noon. Pero a year after ko magsimula sa BPO at graveyard shift ako, nagkaroon kami ng APE at doon na-detect na pre-diabetic ako. Pero nung nag-medical exam ako for employment purposes ay clear ako ah.
Sintomas ng Diabetes
Ano ang mga sintomas na posibleng may diabetes ka o papunta ka na doon (yung tipong isang hakbang na lang, diabetic ka na rin.)? Ito yung mga madaling makita o maramdaman mo sa iyong sarili o sa tao sa paligid mo.
- Palaging uhaw sa tubig, ah hindi sa pagmamahal niya. Ibang usapan na yun.
- Ihi ka nang ihi. Expected naman kasi inom ka nang inom dahil uhaw ka palagi kaya ihi ka nang ihi.
- Palaging gutom. As in kakakain mo pa lang, gutom ka na naman.
- Hindi mapaliwanag na pagpayat. Hindi ka naman diet, malakas ka naman kumain, pero bakit ka pumapayat.
- Feeling laging pagod. Nakaupo ka lang naman maghapon pero parang hapong-hapo ka.
- Iritable. Para kang inis sa lahat kahit walang dahilan. Bukod sa wala kang pera ah.
- Paglalabo ng paningin
- Mga sugat (lalo na sa loob ng bibig at mga paa) na hindi gumagaling
- Impeksyon na nararamdaman sa balat, sa gilagid, sa ari. Usually, sa mga babae pangangati ng labas ng ating pagkababae o ari. Kapag mataas ang ating blood sugar, expected na makati ang ating outer pechay.
Sa mga senyales na ito, isa lang ang naramdaman ko noon, yung panlalabo ng mata. Akala ko normal lang kasi nagsusuot na ako noon ng prescriptive eyeglasses. Akala ko tumaas lang ang grado ko. Pero iba na pala yun.
Bukod pa sa nakikita at nararamdaman, may mga sensyales na malalaman lang kapag nagpa-laboratory ng dugo at ng ihi.
Sa ihi ng isang diabetic, may ketones daw. Ayon sa Mayo Clinic, nagkakaroon nito kapag ang muscle at fat ay natunaw o nadurog kasi walang sapat na insulin sa katawan.
A couple of years ago, I was diagnosed to have PCOS - Polycystic ovary syndrome (PCOS). And I know this triggered my diabetes. I will tell you more about PCOS in my coming blogs.
Noong nalaman kong pre-diabetic na ako, inalam ko ang tungkol sa kaaway. Di ba nga the best way to combat the enemy is to keep them at close so I tried to know more about it.
Hindi lang ang matatamis na pagkain ang sanhi nito. Malakas din magpataas ng blood sugar ang kanin. Siyempre dahil hindi ko naman na-burn ang kinain kong kanin kasi nga sedentary ang lifestyle ko noon, ayun na nga.
Pero nung nalaman ko na nga, nagbawas ako ng kanin pero at one point nahinto ako ng more than a week sa pag-inom ng maintenance ko. Kasi akala ko okay lang kasi nagbawas na ako sa kanin, isang pagkakamali pala iyon. Kaya nga maintenance eh, dapat kaagapay mo sa araw-araw para mas kontrol ang bloood sugar.
Ano ba ang normal na blood sugar level? Nakuha ko ang chart na ito sa Internet sa tulong ni Google. Kung nagpa-labatory ka ng dugo mo, at ang level ay nasa green, hayahay lang ang buhay. Safe na safe ka. Pero kung sa orange, okay pa rin pero pag-ingatan mo na ang sarili mo. Pero kung nasa pula na, you better see your doctor soon.
Usually naman kapag nagpa-check up ka na at nakita na ng doktor ang lab results mo, bibigyan ka na niya ng karampatang gamot.
Ano ng HbA1c?
Masyadong teknikal at ang hirap ipaliwanag. Basta ang alam ko, ito yung average blood sugar in three months time. Kapag mataas sa normal ang HbA1c, mas mataas ang risk para sa mga komplikasyon ng diabetes. Hindi ito biro-biro, bes.Maaaring mababa ang blood sugar mo after an 8-hour fasting pero mataas ang HbA1c, kailangan ng ibayong pag-iingat.
Kailan dapat magpa-check ng blood sugar?
Bukod sa regular na konsulta sa doktor tuwing ikatlong buwan, dapat monitored mo rin ang blood sugar mo every day or every other day. Paano?
Mas okay kung meron kang sariling glucometer sa bahay. Kung wala man at may malapit kang The Generics Pharmacy, pwede kang magpacheck dun. Hindi ko lang sure kung 30 or 35 pesos ang bayad.
Gamit ang glucometer, pwede kang mag blood test before meal. Tandaan mo kung ano ang resulta. Then two hours after meal, check ka ulit. Bumaba man o tumaas, at least guided ka kung anong pagkain ang nagpataas ng blood sugar mo. Pwede mong iwasan na sa susunod yung pagkain na yun.
Ano ba ang mga pagkaing bawal sa mga diabetic? Sa susunod, ikwento ko sa inyo 'yan.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!