Parang nagugulat pa sila kapag magtanong kung diabetic na ako.
Nope, hindi naman ako na-offend pero by this time, alam na nila siguro na ang mga overweight na tulad ko ay high risk for diabetes.
"Mahilig ka siguro sa mga chocolates and desserts." Ayan, ang isa sa maling assumptions.
"Ang taba-taba mo kasi eh." Duh! Si Gary V, payat at super active pero diabetic. Ang dami ko rin na kakilala na diabetic o pre-diabetic pero mga payat talaga.
Alam ko hindi ako diabetic noon. Pero a year after ko magsimula sa BPO at graveyard shift ako, nagkaroon kami ng APE at doon na-detect na pre-diabetic ako. Pero nung nag-medical exam ako for employment purposes ay clear ako ah.
Sintomas ng Diabetes
Ano ang mga sintomas na posibleng may diabetes ka o papunta ka na doon (yung tipong isang hakbang na lang, diabetic ka na rin.)? Ito yung mga madaling makita o maramdaman mo sa iyong sarili o sa tao sa paligid mo.
- Palaging uhaw sa tubig, ah hindi sa pagmamahal niya. Ibang usapan na yun.
- Ihi ka nang ihi. Expected naman kasi inom ka nang inom dahil uhaw ka palagi kaya ihi ka nang ihi.
- Palaging gutom. As in kakakain mo pa lang, gutom ka na naman.
- Hindi mapaliwanag na pagpayat. Hindi ka naman diet, malakas ka naman kumain, pero bakit ka pumapayat.
- Feeling laging pagod. Nakaupo ka lang naman maghapon pero parang hapong-hapo ka.
- Iritable. Para kang inis sa lahat kahit walang dahilan. Bukod sa wala kang pera ah.
- Paglalabo ng paningin
- Mga sugat (lalo na sa loob ng bibig at mga paa) na hindi gumagaling
- Impeksyon na nararamdaman sa balat, sa gilagid, sa ari. Usually, sa mga babae pangangati ng labas ng ating pagkababae o ari. Kapag mataas ang ating blood sugar, expected na makati ang ating outer pechay.
Sa mga senyales na ito, isa lang ang naramdaman ko noon, yung panlalabo ng mata. Akala ko normal lang kasi nagsusuot na ako noon ng prescriptive eyeglasses. Akala ko tumaas lang ang grado ko. Pero iba na pala yun.
Bukod pa sa nakikita at nararamdaman, may mga sensyales na malalaman lang kapag nagpa-laboratory ng dugo at ng ihi.